Governance, Human rights

Cha-cha ng mga trapo, dayuhan at negosyo

(Larawan mula sa CNN Philippines)

Ano ang problema sa Charter change (Cha-cha) ni President Duterte?

Dalawang bagay. Una, ang proseso kung paano gusto ng kampo ng Pangulo na baguhin ang konstitusyon. Pangalawa, ang mismong mga probisyon sa Saligang Batas na gusto nilang baguhin.

Sa unang punto, hindi lamang ito ang problemadong moda ng consituent assembly (con-ass) kundi maging ang paraan kung paano ito gustong ipatupad ng rehimen.

Totoong nakakabahala ang con-ass. Alam natin kung gaano kabulok ang Kongreso. Pugad ito ng mga pinakamasahol na trapo. Ipagkakatiwala ba natin sa kanila na kalikutin ang itinuturing natin na fundamental law of the land? Noong panahon ni Pres. Arroyo, malakas ang sigaw ng bayan laban sa Cha-cha at con-ass. Hindi umubra ang pakana ng mga trapo.

Pero ang mas nakakabahala ngayon ay ito –  mas garapal at mas bulok ang liderato ng mga trapong nagpapakana sa con-ass ni Duterte. Kung hindi n’yo pa nababalitaan, ito ang huling sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez tungkol sa Cha-cha:

“Of course, some provinces would not support the initiative, then they will get zero budget. If you won’t go along with the plan, it’s okay. I respect that. It’s your right, but you should also respect my right to give you zero budget.”

Noong panahon nina GMA at Speaker Jose de Venecia, may pakulo pa ang mga trapo na “great debate” sa Cha-cha. Ngayon wala nang pakulo. Deretsahan na na pera-pera ang usapan. Kaninong pera ang iniyayabang ni Alvarez? Buwis natin. Buwis na lalo nilang pinabigat sa TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion).

Mapapaisip ka tuloy – ang pahirap na dagdag-buwis ba ay para talaga sa infrastructure development at social services, o para sa Cha-cha ng mga trapo? Lalo ka tuloy masusuklam sa TRAIN. Pinabibigat lalo ang buhay ng mahihirap, pinagagaang ang sa mayaman para sa Cha-cha ng mga trapo? (Syempre, ang mga trapo ay sila rin ang mayayaman, at ang mga pinakamayaman ay mga backer ng trapo. Sila-sila rin ‘yan.)

Isipin n’yo, pera iyon ng mamamayan. Pinipiga sa bayang 10 milyon ang pamilyang nagsasabing mahirap sila at pitong milyong pamilya ang nagsasabing nakararanas sila ng gutom. Pero kung magsalita si Alvarez, parang galing sa sarili n’yang bulsa ang ipamumudmod sa mga gobernador at mayor na sasayaw sa Cha-cha.

Ito ang mga trapo na gustong mag-con-ass para baguhin ang ating Saligang Batas. Nagkakamali kayo kung inaakala n’yong tapos na ang maliligayang araw ng bulok na sistema ng pork barrel at patronage politics. Buhay na buhay ito sa ilalim ng Duterte administration at garapal na gagamitin para sa Cha-cha.

Lumilikha ng tensyon sa iba pang paksyon ng mga trapo ang kagaspangan ng pamamaraan ng mga ka-partido ng Pangulo sa House of Representatives. Para iratsada ang Cha-cha, joint voting ang con-ass na gusto nina Alvarez. Dito, magsasama bilang iisang assembly ang House at Senate para aprubahan ang mga pagbabago sa Konstitusyon sa botong three-fourths ng pinagsamang bilang ng dalawang kapulungan. Dehado syempre ang Senate na meron lamang 23 myembro sa House na merong 292.

Kung hindi payag ang Senate, sila-sila na lang daw sa House ang magku-con-ass, sabi ni Alvarez. Hinamon n’ya ang mga may kwestyon sa ganitong proseso na dumulog sa Supreme Court (SC). Ang parehong SC na inaatake nina Alvarez ng impeachment laban sa Chief Justice nito para kontrolado rin nila at maging sunud-sunuran sa agenda ng Malacañang.

Ito ang pangalawa (at mas mahalagang) punto, ano ang laman ng Cha-cha, para saan ito at para kanino?

Nakapaloob ang mga inihahaing pagbabago sa Saligang Batas sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 8, ng Study Group ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Federalism Institute (executive summary), at ng binubuong mga panukala ng House committee on constitutional amendments.

Importanteng maintindihan ang Cha-cha bilang isa sa mga larangan ng pagtutunggalian ng iba’t ibang interes sa ating lipunan. Pangunahin dito ang pagtutunggali ng interes ng mga naghahari (dayuhan, pinakamayayamang negosyante’t landlords at kinatawan nilang malalaking trapo) at pinaghaharian (ordinaryong mamamayan, manggagawa, magsasaka, urban poor at iba pang mahihirap).

Noon pa, interes na ng mga dayuhan ang mas mahigpit na kontrol sa likas-yaman at ekonomya ng Pilipinas para higit nila itong mapagsamantalahan. Nagawa nila ito sa pamamagitan ng colonialization at globalization. Pero hindi nila maitodo nang husto dahil bawal sa Konstitusyon ang ganap na dayuhang pagmamay-ari sa ilang susing sektor ng ekonomya (kahit pa na madalas naiikutan).

Kaya ang Cha-cha para payagan ang foreign ownership/control sa lupa, public utilities, mass media, at iba pa ay matagal nang agenda ng mga dayuhan, lalo na ng US at mga negosyong Amerikano. Binubuhusan nila ng milyun-milyong dolyar ang mga pag-aaral at lobbying sa Kongreso para bigyan ng justification ang lalo pang liberalization ng ekonomya sa pamamagitan ng Cha-cha.

Para sa malalaking negosyo kabilang ang mga dayuhan, taliwas sa interes nila ang constitutional safeguards sa karapatang panlipunan at pang-ekonomya ng mamamayan. Kaya isa sa mga aatakehin sa Cha-cha ang mga ito gaya halimbawa ng consitutional provisions sa living wage, seguridad sa trabaho, makataong kondisyon sa paggawa, serbisyong panlipunan at iba pa.

Binabaluktot ang papel ng estado sa pagtiyak sa mga karapatang ito – kabilang ang epektibong state regulation sa mga negosyo sa ngalan ng national o public interest – habang binibigyang-diin kung paanong higit na makikinabang ang mga negosyo.

Iisa rin ang agenda ng mga trapong nagtutulak ng Cha-cha mula pa noong panahon nina Ramos, Erap at GMA – ang manatili sa poder at pahigpitin pa ang kapit sa kapangyarihan ng mga nasa pwesto. Hindi ito nagbabago hanggang ngayon kay Duterte. Ang kaibahan, bukod sa mas agresibo at mas garapal ang mga trapo, mas tampok ang tunguhing diktadura ng Cha-cha ngayon.

Kinukonsentra ng Cha-cha nina Duterte at Alvarez ang kapangyarihan sa kamay ng iisang paksyon ng mga trapo habang pinahihina ang mga kalabang paksyon. Itinatago ito sa federalism bilang porma ng gobyerno. Pero kung susuriin, makikita ang authoritarian agenda at konsolidasyon ng poder ng nakaupong rehimen sa panahon ng mahabang transition sa federalism (na diumano ay pwedeng umabot sa 10 taon). Ito ang parehong istilong bulok ng diktadurang Marcos noon.

Kabilang sa mga panukalang inihahain ang abolisyon ng Kongreso at pagbibigay ng kapangyarihan kay Duterte na bumuo ng mga batas; pag-abolish sa opisina ng Bise Presidente, ang pagkontrol sa mga constitutional commission; at maging ang posibilidad ng pagtatalaga ng mga bagong myembro ng judiciary. Kung matutuloy ang maitim na planong ito, kumpleto at absoluto ang magiging kontrol ni Duterte sa lahat ng branches ng gobyerno.

Kung tunggalian ng mga interes ang Cha-cha, ang nagtutunggali sa pangunahin ay ang interes ng naghahari at pinaghaharian. Pero sa mga paksyon ng naghahari, mayroon ding tunggalian. At lalo itong matingkad sa diktadurang agenda ng paksyon nina Duterte. Kayan naman matigas ang pagtutol ng Senado sa gusto nina Alvarez na joint voting sa con-ass. Ito rin ang posibleng dahilan ng preference ng ilang ng malalaking negosyo sa constitutional convention (con-con), at hindi con-ass, bilang moda ng Cha-cha.

Pero iisa ang pinagkakasunduan ng buong naghaharing uri ng malalaking negosyo, dayuhan at trapo – lalong supilin ang mga karapatan ng kanilang mga pinaghaharian at lalo silang pagsamantalahan. #

Standard
Charter change

Railroading HR 1109, Con-ass: a scandal far worse than Hayden’s sex videos

A scandal as sensational as Hayden Kho’s sex videos was how Rep. Raymond Palatino of Kabataan partylist described what happened last night at the Batasan where Speaker Prospero Nograles and other Palaka congressmen, with marching orders from GMA, railroaded House Resolution 1109.

But without any intention to downplay or trivialize the abuse suffered by Hayden’s victims, I say it’s a scandal far worse. That is the only way I can describe what the administration lawmakers did to force Congress to convene into a constituent assembly (Con-ass) for charter change (Cha-cha).

I thought that the scandal caused by Hayden’s sex videos could not be outdone for a long time. But the scandal at the House was worse because Malacañang’s cabal did not have qualms doing their Cha-cha version of “Careless Whisper” on national TV, live. There was no “Hayden” camera. Unlike Katrina Halili and the other victims, Nograles and company were fully aware that cameras were shooting.

Pero hindi sila nahiya. At talagang hindi nahiya sa paghubad sa tunay nilang agenda.

Under interpellation, one of the sponsors admitted that the pledge made by HR 1109 not to extend the term of GMA, that the 2010 elections will push through, etc are not guaranteed commitments once the Con-ass starts its work.

May maitim talagang balak mula’t simula ang mga pasimuno ng HR 1109.

The resolution, which was still then un-numbered, was circulated in secret by its proponents to House members for their signatures. Over and over again, it was reported in the media then that the resolution already had a certain number of signatures but the public and anti-Cha-cha House members were clueless about its exact contents.

Then it became HR 1109 and was finally submitted to the House committee on constitutional amendments. There, it was never subjected to a debate, much less to a public consultation. As the minority members of the House noted during the rather brief interpellation of the resolution’s sponsors at the plenary, only three constitutional experts were invited as resource persons (who, by the way, all thumbed down HR 1109) and other stakeholders and social sectors were not invited. If my recollection of the plenary proceedings last night is right, the committee only had two hearings which together lasted for less than three hours.

Then it was rushed to the plenary, where the majority assured the minority that the debates would be held. But only about four hours into the interpellation, a motion was raised to stop the debates and hold a vote on HR 1109.

Apparently, nainip na sila sa sarili nilang moro-moro. The questions and points raised were futile, anyway, since at the end of the day, it’s a numbers game. Walden Bello repeatedly talked about intelligent discourse, fair play, etc that the majority is undermining with its motion to vote. But did Bello really expect a great debate?

I remember when GMA first openly advocated Cha-cha. She asked Congress (it was her SONA, I think) to start the “great debate”. To be sure, what happened at the House last night was anything but a great debate.

Itinago na sa publiko, iniratsada pa sa plenaryo itong HR 1109. Mga salbahe talaga.

But as we have proven time and again, what we can’t stop in Congress, we can stop in the streets.

Mayorya sila sa Batasan, tayo ang higit na malaking mayorya sa lansangan.

Standard