Human rights, Poems

Paano linisin ang dinungisang dingding ng Embahada ng Kano?

Una, palambutin ng usok ang pinturang nanigas
Maghagis ng tear gas.

Pangalawa, banlawan ng water cannon
Hanggang kumupas ang pula.

Para sa natitirang mantsa,
Manghablot ng mga katutubo
Kahit sino, kahit ilan
Pero tandaang mas marami, mas mainam.

Pagkatapos ay hambalusin
Kahit saan tamaan
Basta tandaang mas marahas, mas mainam.

Pagkatapos ay sagasaan
Tulad ng kung paanong patagin ng dambuhalang gulong
Ng mga minahan at plantasyon
Ang kanilang mga gubat at lupain,
Kultura at tradisyon.

Panghuli,
Kunin ang dugong nanikit sa truncheon at gulong
Ikuskos nang mabuti at mariin
Sa nadumihang dingding
Ng himpilan ng among dayuhan.

Huwag kalilimutang
Maghugas ng kamay.

Standard

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s