
Ka Roda, pioneer of the progressive drivers’ movement in the country, passed away on September 5 due to cardiac arrest (Photo from http://www.arkibongbayan.org)
para na, ka roda
dyan na lamang sa tabi
gumarahe na kayo at magpahinga
malayu-layo na rin ang inyong binyahe
mula sa mga musmos na pilapil ng libmanan
hanggang sa mga nagmulat na kalye ng cubao.
salamat, ka roda
sa hindi malilimutang pasada
dahil kahit lubak-lubak ang kalsada
ng pinili nating rutang walang shortcut
ay hindi kayo bumitaw sa manibela
hinarang man ng diktador
at humagok ang karburador
ang byahe natin tungong kalayaan
ay laging pasulong.
para na, ka roda
hanggang dito na lamang at maraming salamat,
itutuloy namin ang inyong pasada
at sa bawat kanto ng mga abenida
ng ating dakilang pakikipagtunggali
poste ng ilaw naming ititindig ang ala-ala
ng inyong pag-aalay ng buhay
upang tiyaking kahit sa dilim ng gabi at pag-aagam-agam
ay hindi kami maliligaw sa ruta nating walang shortcut
upang tiyaking tulad nyo ay
naroon kami hanggang huling byahe
at naroon kami hanggang tagumpay.
(Read more about the life and struggle of Ka Roda here)
kanta yan eh
Nice Poem! This guys must be happy in the afterlife. Been hearing about this guy since my childhoold years, i believe he had accomplished his goals here on earth. May God Bless his soul