Hindi naman daw red-baiting ang ginagawa ni Risa Hontiveros ng Akbayan/Liberal Party (LP) sa senatorial candidates na sina Satur Ocampo at Liza Maza ng Makabayan. “Nowhere in my press statement did I call them communist,” ani Hontiveros.
Ano exactly ang sinabi ni Hontiveros? Nasa ibaba ang portion ng isang direct quote sa kanyang press statement:
“Actually, the links between the left-wing candidates in the NP slate and the Communist Party is something that nobody really questions.”
Ano exactly ang links na tinutukoy ni Hontiveros? Muli, direct quote sa kanyang press statement:
“It doesn’t help that Satur Ocampo and Lisa Maza keep on pussy-footing on ideological roots and organizational links.”
Wala naman daw nagdududa sa links nina Ocampo at Maza sa CPP. At huwag na raw magkakaila sina Ocampo at Maza sa ideological at organizational links na ito.
Hindi ito red-baiting?
Sa kanyang depensa sa batikos na magkatambal sila ni Gen. Jovito Palparan sa red-baiting, iginiit ni Hontiveros na: “It is actually their refusal to condemn the atrocities and abuses of the CPP-NPA that indirectly helps human rights violators like Palparan to commit further abuses.”
Sa ilohika ni Hontiveros, kasalanan (kahit pa indirectly) nina Ocampo at Maza kung bakit patuloy na pinapatay, dinudukot, at tinutoryur ng Arroyo administration at ng armed forces nito ang mga aktibista. Kung kukundenahin lang nina Ocampo at Maza ang “atrocities and abuses” ng CPP-NPA, matitigil na ang state-sponsored human rights violations?
Ganito mangatwiran ang mga doble-karang oportunista. Mapanganib ang mga taong ganito.
Karapatan s’yempre ni Hontiveros at ng Akbayan na batikusin ang ipinagpapalagay nilang atrocities at abuses ng CPP-NPA. Pero ibang usapin ang red-baiting.
Tandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nag-red-baiting ang Akbayan.
Noong January 2005, sa internationally circulated statement ng Bangkok-based na Focus on the Global South kunsaan executive director si Walden Bello ng Akbayan, sinabi nitong: “Being part of a bigger global movement for social justice, we have interacted with, worked with, or even supported groups that are associated or working closely with the CPP such as Ibon Foundation, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Cordillera People’s Alliance (CPA), International League of People’s Struggles (ILPS), KMU (May 1st Movement), Asian Student Association (ASA), and Migrante. We now appeal to the sense of decency of individuals in these and other groups and urge them to denounce these actions and apply moral suasion on Sison and other leaders of the CPP and NPA to refrain from the threat and use of force and assassination.”
Kagaganap pa lamang noon ng Hacienda Luisita massacre nang ilabas nina Bello ang kanilang statement. Ginatungan nito ang propaganda ng militar na mga komunista daw ang nasa likod ng welga sa Hacienda Luisita. Sa dokumentong Knowing the Enemy, na lumabas sa publiko pagkalipas ng ilang buwan, tinukoy ng AFP na communist fronts daw ang mga organisasyong binanggit nina Bello.
Sa mga dokumento ng Oplan Bantay Laya (OBL), ang mga “sectoral front organizations” ng CPP-NPA ang target ng neutralization ng AFP. Ito ang kwento ng extrajudicial killings ng mga aktibista sa bansa.
Ang mga doble-karang oportunista ay nagpapanggap na progresibo. Sa isang banda, ipinagyayabang na sila ay human rights at peace advocates.
“How can I be a supporter of a human rights violator, when I filed a case for the disqualification of his (Palparan) party-list? When I authored a lot of resolutions investigating incidents of human rights violations? When I have bills penalizing torture, enforced disappearance, and strengthening the Commission on Human Rights?” tanong ni Hontiveros.
Isang bagay ang mag-file ng maraming bills at resolutions tungkol sa human rights. Ibang bagay ang mag-red-baiting. Ibang bagay ang ginagatungan at inuulit-ulit ang black propaganda ng AFP laban kina Ocampo, Maza, kanilang mga kasamahan at grupo.
Hindi maikakaila ni Hontiveros at ng Akbayan na ang kanilang red-baiting ay ginagamit ng Arroyo administration upang pagtakpan ang napakasahol nitong human rights record.
Noong 2008, nang lumabas ang report ni Prof. Philip Alston, ang Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary, or Arbitrary Execution ng United Nations (UN), binira ng Malacañang ang integrity ng report. Pinagbintangan nito si Prof. Alston na pinapaboran ang CPP-NPA-NDF. Ang ebidensya ng administrasyong Arroyo? Ang mga naunang pahayag nina Bello at Etta Rosales ng Akbayan.
Sa official statement ni Ambassador Erlinda F. Basilio, Permanent Representative to the UN and other international organizations ng bansa, sinabi nitong:
“Prof. Alston’s partiality, selectivity and double standard are fully demonstrated in End Note no. 46 of Prof. Alston’s report. This concerns two leftist government critics – Prof. Walden Bello and Ms. Etta Rosales, whose freedom of expression and right to life were threatened, not by pro-government groups, but by Prof. Alston’s favored group (i.e. the CPP-NPA-NDF). Mr. Bello and Ms. Rosales are leaders of the party-list group Akbayan.”
Ang tinutukoy ni Basilio ay ang pahayag noong December 2004 nina Bello at Rosales tungkol sa pagkakabilang nila sa diumano’y NPA hit list. Muli, isang bagay na kundenahin ang ipinagpapalagay nilang hit list (na actually ay diagram ng mga counter-revolutionary groups at kanilang international links, downloadable ito sa CPP website; tingnan ang page 8 ng Ang Bayan, December 7, 2004 issue). Ibang bagay ang malisyosong “umapela” sa mga ligal na organisasyon at institusyong gaya ng KMU, KMP, IBON, CPA, at iba pa dahil sila ay “associated” o “working closely” sa CPP-NPA. Ito ay red-baiting.
Balikan natin ang statement ni Hontiveros. Sabi nito, “She said that the PTC (permit to campaign), the NPA’s human rights violations, and allegations of corruption committed by Villar are valid electoral and political issues that all candidates, regardless of party affiliations, should address”.
Kung valid electoral at political issues ang PTC at NPA, bakit kina Ocampo at Maza lamang ito ibinabato ni Hontiveros? Bakit sina Ocampo at Maza lamang ang kailangang mag-denounce sa CPP-NPA na para bang sila ang kumukumpas sa mga gawain ng CPP-NPA?
Hindi ba’t para sa isang nagsasabing s’ya ay human rights at peace advocate, mas valid na electoral at political issue, in relation to the CPP-NPA, ang peace talks sa halip na denunciation nina Ocampo at Maza?
Kung naghahanap ng valid electoral at political issues si Hontiveros, bakit hindi n’ya hamunin si Noynoy Aquino na i-denounce ang Hacienda Luisita massacre at ang stock distribution option (SDO), na lehitimong human rights issues? Hindi ba’t mas may value ang denunciation ni Noynoy sa Hacienda Luisita massacre at SDO dahil siya at kanyang pamilya ang kumukumpas sa Luisita?
Bakit hindi ang peace talks, Oplan Bantay Laya, o Hacienda Luisita ang gustong pag-usapan ni Hontiveros? Dahil red-baiting ang totoong adyenda nila ng Akbayan.
hi, arnold. ayos n ayos ito. salamt. i will e-blast ito to people who receive my columns.
Pingback: Mong Palatino » Blog Archive » Ugly leftist
Hi Arnold!
Very well said. Nakakagalit talaga sila ng sobra. irerepost ko din ito at sa website ng LFS.
Pingback: League of Filipino Students » Blogs » Red-baiting: ang maruming laban ni Risa Hontiveros
Kahit kailan naman, maruming maglaro ang grupo nina Etta Rosales. Lagi’t laging ang panunulsol sa militar ang ginagawa para sabihin na maka-demokrasya sila; sa totoo lamang naman e talagang hindi.
Pero hindi na nakapagtataka ang ganitong tindig ni Risa Hontiveros na nagmula rin sa pamilyang nakaaangat sa buhay at pinag-aral sa elitistang institusyong pang-edukasyon ng Simbahang Katolika (na bagaman may sumulpot na ilang mga progresibo, mas malamang kaysa hindi eh, mga burges na may makitid na pananaw sa pagsasaayos ng lipunang bulok) dahil una: (1) nahirati siya sa NGO work na higit ang kita kaysa tulong sa mga komunidad na kanilang inoorganisa (remember the code NGO scam); (2) asawa siya ng isang pulis na koronel na ayon, namatay sa hika; at (3) hindi naman talaga naging makamasa si Hontiveros dahil hindi naman niya naranasang magdildil ng asin di kagaya ni Satur Ocampo.
Bago mag-Mayo 10, tiyak na mamumutiktik pa rin ang ganitong mga banat sa legal na Kaliwa at asahan nang patuloy na isasaliw nila ito sa tono ng gobyernong isinusuka (raw) nila.
Pingback: League of Filipino Students » Blogs » UGLY LEFTIST
patok. print ko at padala ko sa cebu. bilib na bilib pa naman ang mga kaibigan nila mama kay risa hontiveros. pa-repost din po ah. thanks.
maganda nga…magandang manapak
Pingback: Walang Manggagawa sa Midya « Kapirasong Kritika
Pingback: The problem with Akbayan and Hontiveros «
Pingback: Take two on Risa Hontiveros | 100ARAW.com
Pingback: Bellofied! | A Radical's Nut