Agrarian reform, Poems

hacienda luisita: nob. 16, 2009

Please email the author for proper image credit

tulad mo rin, noynoy, ang dambuhalang pabrika sa inyong azucarera
na walang imik nang dumating ang sandaang sasakyan ng protesta
patuloy lamang sa pagbuga ng usok ng mga makinang lumalamon sa tubó at tubo,
at tulad ng mga armadong gwardya sa kanyang pintuan
hindi ikaw, kundi si bise palengke ang sumalubong sa mga hamon at tanong
habang pilit kang nagkukubli sa alaala ng mga magulang mong
taliwas sa iyong akala ay di namin kinakalimutang maylupang panginoon.

naroon din ang iyong kapamilya, bitbit ang kanilang tagapagbalita’t kamera
pero maliban sa ginawang pantabing sa likod ng nakaposturang anchor
ang mga sulo at bandila, wala nang iba pang narinig tungkol sa protesta,
kung bakit at paanong ang katarungan at kamatayan ng pitong magsasaka sa luisita

limang taon na mula noong masaker ng nobyembre 16

at ang marami pa nilang kasamahang patraydor na ibinuwal ng mga bayarang duwag
kahit ang piketlayn ay malaon nang nabuwag, ay hindi lumabas sa teleprompter,
at wala ang imahe ng paniningil sa mga tulad ni pat sto. tomas na nagbigay
ng assumption order licencia de masaker
at wala ang hiyaw ng hustisya ng mga naiwang asawa, anak at ilan pang natira sa welga,
kung bakit wala kahit isang linya kung paanong patuloy na pinapaslang at ginugutom
ng sdo at huwad na repormang agraryo ang mga magsasaka’t manggagawang bukid
tumakbo ka man o hindi, manalo ka man o mabigo,
ibenta mo man ang iyong sapi at hugasan ang iyong kamay ng dugo,
mula pa noong 1989 hanggang ngayon, at pagkatapos ng eleksyon,
ay hindi kami magmamaang-maangang di namin batid.

pero ito ang dapat mong malaman
na walang pangingimi naming sasabihin sa iyo
at sa lahat ng naniniwalang kaya mong baguhin
ang kawalan ng katarungan sa bayang ito

– hindi kasindali o kasinsimple ng idinireheng pagpapasa ng sulo
mula kay marian rivera hanggang kay kris aquino ang pagbabago,
at hindi nadadaan sa madramang kanta’t magarbong bidyo
ang tunggalian ng mga walang lupa at ng labis-labis pa sa mayroon,
sa tunggaliang ito, hindi kami manlilimos ng iyong awa at atensyon.

Standard

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s