Poems

A poem for IBON

IBON's 30th anniversary logo

Last night, IBON had a solidarity dinner with friends and former staff as part of their 30th anniversary year-long celebrations. I was with IBON for almost 10 of those years. Below is a poem i wrote and read for them last night. It’s also my little way of thanking the institution that has patiently taught me a lot. Mabuhay ang IBON at sa susunod pang tatlumpung taon!

 

 

tatlumpung taon ka na, ano nga bang ibon ka?

hindi ikaw ang maalamat na phoenix
ng nagliliyab na balahibo at pakpak
na nagsaboy ng nagpupuyos na apoy
at naghasik ng nakasisilaw na liwanag

bagkus isa ka lamang din sa maraming inakay
na napisa sa pugad ng mga gabing hindi tahimik.

hindi ka dumating na tulad ng ibong mandaragit
matang mabangis, kukong matalim
gayunman ang tuka mo’y sintatag at sintalas
ng sa agilang pumupunit sa kalamnan ng bawat
kasinungalingang ipinambubulag
sa bayang minangmang ng karukhaan

ang mga paglusong mo’y sintiyak ng sa lawing
masusing pinag-aralan ang mga hakbang
nilang tagapaglubid ng inimbentong pag-unlad,
nilang tagapagtakip ng katotohanan.

lalong hindi ka rin ang maamong kalapating
nag-iipit sa tuka ng kapayapaang
bulag sa inhustisya, bingi sa pagdaing, pipi sa pagtutol

ngunit ang siyap mo’y madamdaming paghuni
ng tula ng mga api, umaawit ng kanilang kabiguan
ng kanilang pag-asa, ng kanilang tagumpay

ang himig mo’y hindi sa adarnang oyayi sa paghimbing
ang sa iyo’y malakas na kakak ng pagbangon at paggising

loro kang ang dila’y matabil, sa palalo’y sumusugat,
sa hamak ay magiliw.

hindi ikaw ang langay-langayang palayong lumutang sa sta. filomena
hindi ikaw ang ibong umiiyak nang ikulong sa hawla…

tatlumpung taon ka na, ano nga bang ibon ka?

 sa presidenteng maton ikaw ay ipot,
 sa presidenteng peke ikaw ay komunista
 ha! hayaang umipot pa nang umipot
 ang laksa-laksang kawan ng pipit at maya!

Disyembre 15, 2008
Para sa ika-30 anibersaryo ng IBON Foundation Inc.

Standard

One thought on “A poem for IBON

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s